*

BAKWIT: Paglili sa Kahimtang sa Kabatan-onang Lumad*

Inilathala sa Philippine Collegian Issue 3

Nitong nakaraang bakasyon, bumiyahe ako at ang mga kasamang manunulat sa isang evacuation site ilang baryo ang layo mula sa mula sa Toril, sa Lungsod ng Davao. Ayon sa mga guide, maraming mga batang lumad ang kasalukuyang nanunuluyan doon.

Pagdating namin sa barangay hall ng Bankerohan, pumasok kami sa ang isang gym na pansamantalang kumukupkop sa mga lumad mula sa Lambak ng Kompostela. Sinalubong kami ng tingin ng mga tao sa loob. May mga nag-uusap na mga lider. May mesa para sa mga medikal na pangangailangan—gamot, tsek-up at iba pa. May ilang mga natutulog sa sahig. Dito ko nakilala ang mga katutubong evacuees o kung tawagin sa Bisaya ay bakwit.

Guhit
Marami-rami ang tao noong bumisita ako. May ilang magsasaka kasing nakituloy doon para sumama sa protesta na nananawagan ng hustisya para kay Ka Celso Pojas — isang lider magsasakang pinaslang sa Davao ilang araw bago dumating doon ang mga bakwit.

Nilibot ng aking paningin ang kalawakan ng gym. Sinubukan nitong bilangin sa bawat sulok ang mga pamilya’t mga kabataang anak ng mga magsasaka at mga lumad na naroon. Mahigit 30 pamilya ang nakapuwesto sa lahat ng dingding ng gym. Kanya-kaniya silang latag ng mga higaan kasama ang kani-kanilang pamilya.

Dalawang linggo na sila roon noong araw ng aming pagbisita. Gabi ng ika-12 ng Mayo nang magkaroon ng engkwentro ang mga NPA at ang mga nagooperasyong pwersa ng militar. Bago ang gabing iyon, binalaan umano sila ng mga militar na susunugin ang kanilang mga tahanan kung ma-ambush sila ng mga NPA. Napagdesisyunan ng mga mamamayan at organisasyon sa komunidad ng Ata-Matigsalug sa Barangay Mangayon na lumikas, upang maiwasang maipit palitan ng mga bala.

Ang isang bahagi ng gym ay pinagpaskilan ng mga larawang iginuhit ng mga batang lumad. Sa mga ipinaskil na dibuho ng mga bata, makikita ang mga larawan ng kanilang komunidad na dinatnan ng mga militar. Ang isa pa nga’y eksena ng engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo.Pawang nagpapakita ng matiwasay nilang pamumuhay noon, at ng kalunos-lunos na pinsalang dulot ng militarisasyon sa Kompostela.

Titik
Nagkalat ang mga kabataan sa loob ng gym. May mga sanggol na buhat ng kanilang mga ina sa kabiba o nakasukbit na malong sa katawan. May magbabakardang binatilyo naman ang nagkumpol sa ilalim ng basketball ring. May mga paslit at magkakapatid na naglalaro sa entablado. Naroon din ang isang katutubong lumad na nag-aalaga sa bagong silang niyang anak, na ipinanganak noong gabi ng kanilang paglikas.

Sabi ng KABIBA, isang alyansa ng mga organisasyong tumututok sa mga usaping pangkabataan, mahigit 80 ang mga kabataang bakwit doon. May imahe ang mukha ng bawat isa ng di mawaring timpla ng balat-kayong ngiti, pangamba, kalungkutan, at kawalang katiyakan.

Ayon sa mga ulat ng mga organisador, halos pare-pareho ang naging karanasan ng mga kabataang ito sa ilalim ng militarisasyon sa kanilang komunidad. Kuwento ng isang binata, isa umanong sundalo ang bumili ng softdrinks sa kanilang tindahan. At nang tanungin ang binatilyo kung may bumibili rin bang mga NPA roon, pabalang siyang sumagot ng “Oo. Kayo nga bumibili e.” Karaniwan na namang napapadaan ang mga NPA roon, aniya. Dahil dito, binugbog ng sundalo ang binatilyo.

Kung hindi man ang mga kabataan ang binubugbog o dinarahas, mga magulang naman nila ang sinasaktan sa harap nila.Dagdag pa ni Aling Jocelyn, isang inang lumad, naranasan din nilang magapos at mabalutan ang kanilang mga ulo ng plastik nang pasukin din ng militar ang unang gym na tinuluyan nila sa Kompostela.

Kaya’t gayon na lamang ang mensahe ng pighati at pangungulila ng mga bata sa isinulat nilang maiikling sanaysay at mga tula na idinikit kasama ng mga larawan.

Ang akung pangandoy nga makapaeskwela ang akung mga manghod ug makahuwon ang among pagpoyo sa among lugar. Ug unta makauli kami sa among lugar nga dili na magkausod-usod ug dili na samok-samokon sa mga sundalo. (Ang aking pangarap ay ang makapag-aral ang aking mga kapatid at maging maayos ang paninirahan namin sa aming lugar. At sana makauwi na kami sa aming lugar nang hindi na pinapaalis at hindi na guinugulo ng mga sundalo.)

Awit
Noong gabi bago kami dumating, isang gabing pangkultura ang inilunsad ng mga kabataang bakwit. Nagtanghal ang mga bata ng mga katutubong sayaw at awit na sumasalamin sa kanilang mga hangarin — mula sa kagustuhang makabalik sa pag-aaral hanggang sa tuluyang di na gambalin ng mga militar.

Takipsilim na rin ng pagpasyahan naming lumisan. Binuksan na ang mga ilaw sa gym. Nagsimula na rin ang pamimigay ng pagkain. Dalawang kababaihang lumad ang pumunta sa gitna at nagtanghal ng isang sayaw para sa mga bisita. Nagpalakpakan kami pagkatapos.

Naiwan ang imahe ng mga kabataan sa aking haraya, habang bumibiyahe pauwi.

Habang sinusulat ang artikulong ito’y nakatanggap ako ng balita sa kapwa manunulat sa Davao na nakauwi na raw ang mga bakwit sa Bankerohan noong ika-17 ng Hunyo.Marahil sa mga panahong ito’y nakarating na sila sa Mangayon upang balikan ang kanilang dating pamumuhay.

Ngunit may balita ring nagpadala na naman ng dalawang batalyon ng militar sa area—pagpapatindi pa rin ng kontra-insurhensyang polisiya ng pamahalaan lalo na sa mga lalawigang makapangyarihan ang mga puwersang rebolusyonaryo. Maaaring bakante na sa ngayon ang gym sa Bankerohan, ngunit ang tensyon na pansamatalang umiral sa lugar na ito ay di nawala. Hangga’t nagpapatuloy ang kultura ng karahasan sa kanilang mga tahanan sa kanayunan, di malayong magpabalik-balik ang mga bakwit sa pagkupkop ng kalunsuran.

*Pagsilip sa Kalagayan ng mga Kabataang Lumad
**Pasasalamat kay Barry Ohaylan,Karlos Manlupig at Leigh Dalugdog ng AteNews (Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Ateneo sa Davao).
***Guhit ni Archie Oclos at kuha ni Barry Ohaylan.

Post Summer Melancholia

May mga bagay na hindi ko maipaliwanag kung bakit pinipili kong maramdaman.

Para kay K

Hindi ko alam kung ano ang bumagabag sa iyo nitong mga nakaraang araw, o marahil linggo. Alam kong pagod kang nakakauwi mula sa trabaho. Hindi ko tiyak kung ano pang nararamdaman mo o naiisip bago ka tuluyang makatulog kapag gabi, lalo na sa gabing di kita nakakausap at walang katiyakan kung may nakakausap ka man ukol sa mga saloobin mo. Marahil, magbabakasakali ka ng mga kaibigang pupunan sa aking kakulangan.

Madalas akong umalis nitong nakaraang bakasyon. Naalala ko kung gaano ako nalulungkot at di mapalagay noon kapag umaalis ka. Hindi naman pala naiiba ang pakiramdam ko kapag ako naman ang umaalis. Lubhang maikli ang mga panahong nagkakasama tayo ngayon kumpara noon. Minsan di ko maiwasang mabahala. Minsan, mag-isip masyado. Minsan, tuluyang malungkot. Katulad ng dati, ugali kong maghalungkat ng mga bagay–materyal, birtwal o kahit imahenasyon–kapag nangungulila ako sa’yo. Hindi iyon nagbago.

Naaalala ko sa larawan sa taas ang larawan ng isang sculpture sa isang papel na xerox na ibinigay mo sa akin noon. Maaalala na rin siguro kita sa tuwing makakakita ako ng makulay na bulaklak at ang tangkay nitong tulad ng nasa itaas. Katulad nito ang mga alaaalang tiyak kong babalikan ko kung ako’y nalulungkot at kung wari ko’y nalulungkot ka.

Hieroglyph

by Eric Gamalinda

We shall say then that steel hands
fashioned the city from pebblewash
and stone, and we succumbed–
that’s it–surrendered to its framework,
but the choice was not our own.

But we are crazed by simpler things;
pulse of wind, a bleeding moon.
And this tryst of fictions,
this fictive trance, might as well be,
shall we say, a choreography of chance.

Centuries later they will gawk
at anonymous relics scheming
sainthood–Time’s true heretics.
Meanwhile, when you laugh,
I am distracted by your sensuous throat:
no one will ever know that, or the wind
that rustles southward from your fingertips.

Or the night we were suprised by rain
and slept, imagining arms,
till the morning threatened moss on our teeth.

The rain will pry our history,
rendered impersonal by contiguous negligence,
from gravel, the roots of trees, these things,
that listen to our babbling, but do not care.

I should imagine we are already
somewhere there, human in the salamander
fire, half-broken, but persisting
with the opiate vision in our minds.

There will be ghosts among the walls,
perhaps a phantom of some fantasy, its hands
held up against the light, or the parched
ends of a poem to surprise a curious
archaeologist; or your voice,
almost electric, almost like healing water.

Older entries »