Home

soles_by_karlc.jpg

Ilang libong mga magsasaka ang maglulunsad ng kilos protesta sa araw na ito sa kani-kanilang lalawigan. Nayong umaga, may higit-kumulang limang daang magsasaka ang magmamartsa patungong Mendiola para muling iparating at isigaw sa lansangan ang daan taon nang hinaing ng nakararaming mamayan sa bansa–ang lupa. Sa taong ito, mananawagan din ang mga magsasaka na huwag nang pahabain pa ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (katulad na lang ng panawagang mapatalsik si GMA). Labing-siyam na taon na ang CARP, at sa labing-siyam na taong pag-iral nito, higit lamang nitong pinalala ang pyudal na pananamantala ng mga panginoong maylupa sa mga magsasaka’t manggagawang bukid sa kanayunan. Sinangkapan ito ng mas malawak na lupang hindi naipamamahagi at mas tumitinding pandaras, kahirapan, at kamatayan. Patunay na isa lamang itong huwad na reporma sa lupa. Kaya naman, makatarungan lamang na magpakita ng lakas at galit ang laksa-laksang bilang ng mga magsasaka na naniniwala at nagsusulong pa rin ng pakikibaka upang makamit ang tunay na reporma sa lupa at pambansang demokrasya.

*Soles | Larawan ni Karl Castro

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s