Home

Bahagyang nagbago ang timpla ng balita sa primetime. Brinodkast ang latest updates sa pagsabog na naganap sa Glorietta. As of TV Patrol time, di pa malaman kung improvised explosive nga ang sanhi ng pagsabog. Pag-ere ng Bandila, natukoy nang isa nga itong pangbobomba. Tampok din sa balita ang pag-uumpisa ng kampanyahan para sa Barangay at SK elections. Mukhang naging consistent din ang paglitaw ng ilang mga personalidad na nananawagan sa pagpapatalsik kay GMA.

Isang napapadalas na balita ang pansamantalang nawala sa ere. Nitong nakaraang mga araw, madalas makita sa TV ang mga eksena ng marahas na pagdedemolish sa mga komunidad sa Kamaynilaan. Naalala ko nang mapunta ako sa Batangas bago mag-umpisa ang semestre, demolisyon din ang isa sa mga mainit na isyu ng mamamayan doon. Nagkaroon ako ng pagkakataong bisitahin ang isang komunidad na nakatayo sa lumang riles. Pinapaalis na sila dahil umano sa pagpapagawa ng mga makabagong moda ng transportasyon na tutugon sa Mega Regions Project ng pangulo. Pagpatak ng pasukan, sinalubong agad ang pamantasan ng mga balita ukol sa mga nakaambang demolisyon sa mga komunidad sa loob at sa paligid ng UP–mula Amorsolo, Pook Ricarte, Pook Palaris Pook Dagohoy hanggang Old Balara. Ito ay kaugnay ng pagpapalawak ng C5 na isang aspetong magbibigay daan sa pagtatayo ng Central Business District. Isang imaheng nakapagpangitngit sa akin nang mapanood ko ang mga balitang ito ay ang kabalintunaan na ang naghaharap sa naturang demolisyon ay ang mga mamamayang tinaguriang ‘informal settlers’ at ang mga mamamayang binigyan ni GMA ng consolation lang namang trabaho sa pamamagitan ng MMDA.

Nitong nakaraang semestre, dahil mismong mga kawani, manggagawa at mag-aaral ng UP na ang apektado, mabilis na dumaloy ang isyu hanggang sa loob ng mga klasrum. At kung kakalkal pa tayo ng impormasyon sa pali-paligid, kalauna’y mapag-uugnay natin mismo ang demolisyon dito sa Maynila sa mga demolisyon pa sa iba pang mga lalawigan. Pawang mga hakbang upang mapatupad ng gobyerno ang mga programa nilang magpapaunlad daw ng ekonomiya ng bansa–yung mga tipong panturismo at nakasandig (at nagsisilbi lamang) sa foreign interests.

Ngayong sembreak, gagawa kami ni Daena ng isang dokyumentaryo (bilang bahagi na rin ng completion sa Film Internship) ukol sa demolisyon sa Commonwealth. Worth it atang ibuhos ang panahong ito para mas maintindihan pa ang kalagayan ng naturang mga komunidad at nang makagawa ng output na makakatulong sa pagpapalaganap ng isyu sa mga residente doon at sa iba pang tao. Anyway, hayaan niyo akong ipost itong imbitasyon ng CMC Student Council:

The CMC Student Council invites all CMC Students to share their time and talents this sem break to help the community of Old Balara.

This area was affected by the same road-widening project that now threatens RIPADA. The project was initiated by Sonny Belmonte and supported by Bayani Fernando and is meant to ease traffic flow leading to the planned central business district in the north and a supposed MRT station near commonwealth. While we are not against development per se, we are against projects that threatens lives, families, and livelihood especially if the government – the initiators – offer no recourse for those who will be affected.

A group of UP students who are actively campaigning with the residents has recently succeeded in securing a relocation site in the Marikina-Montalban boundary and garnering the support of Congressman Matt Defensor.

But they need our help to inform and unite all the residents from the areas near Tandang Sora all the way to Laura along Commonwealth Ave. Also, we can help invite more students and supporters by using our talents (film, writing, etc.) to help publicize this issue.

For more information on Old Balara (and also RIPADA) and for scheduling, contact:
Airah | 09153411460 | eightysea.multiply. com
Carlos | 09275964212 | innerthud.multiply. com

Just name your free dates and times and we’ll arrange an orientation.
Huwag ng mahiya.Join na! Wewelkamin ang bawat isa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s