Home

Anong kahiwagaan ang naganap sa CRS at pagkatapos ng huling Batch Run ay nabura ang ilang previously enlisted subjects ko?

False alarm pala, pagkatapos ng isang araw, nagsulputan na muli ang mga klase ko. Pagkatapos ng maraming semesters ng pahirapan na manual enlistment, ngayon lang uli ata ako nakakuha ng enough units for enrollment.  Buti na lang.

Sa totoo lang, isa rin siguro sa mga dahilan kung kaya may mangilan-ngilan na nadedelay sa UP ay dahil sa di pulidong sistema ng Computerized Registration System (CRS). Pahirapan talaga kumuha at makapasok sa ilang mga subjects na dapat mo nang kunin ayon sa curriculum mo. Kahit sisteng teacher’s prerogative, suwertihan pa. Isa na rin siguro ito sa mga nagpapatuloy na epekto ng Revitalized General Education Program sa UP (na may mas mabigat pang epekto sa karunungan at kultura ng mga estudyante dahil nga sa kakulangan sa prioritization ng mga curriculum sa mga Filipino at History subjects na nagbibigay-daan sa pagpaplago ng neo-liberal interests ng karamihan ng mga courses sa UP.)

Kaya naman, kung hindi mo agad makuha ang subject na kailangan mo, mapipilitan kang i-enlist na lang yun sa susunod na sem. At hanggang sa madelay ka kung sobrang napaghuhulian ka na sa tamang takbo ng curriculum kung di pa rin sa’yo binibigay ng CRS. Sa huli, maaari kang tumagal sa kolehiyo at mas marami pang pagtaas ng kung anu-anong fee ang sasalubungin mo.

Matakaot ka na lang kung ano pa maaaring mangyari sa UP sa mga sususunod na taon. Paunti nang paunting mga klase. Paunti nang paunting enrollees. At siguro mas nagtataasang fees at buildings sa dating arboretum (commercialization in it’s fuckin finest!)

Di pa pumapasok ang bagong sem, heto’t angasan na. Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng online registration at online prerogative enlistment.  Tiyak na mag-aalburoto na naman ang maraming estudyante.  Such repressive education.

Advertisements

8 thoughts on “Sinong may sabing kasalanan ng estudyante kaya hindi siya on-time gagraduate?

  1. wahaha totoo yan dahil sa crs may mga nadedelay! may mga kaklase ako delayed pa ng 1 year dahil lang naubusan ng slot. aww

  2. haynako kumusta rin ako kepi bilang isang subject na lang pahirapan pa sa prerog. at eto pa, sabi ni crs: residency students are not allowed to enlist. nye. mr. crs hindi na po ako residency.

  3. 9 units lang ako kamon. At mukhang di na madaragdagan pa un bilang ang prerog ay online din. Lokohan na lang talaga.

  4. Isang malaking kalokohan ang prerog online. Kung yung regular enlistment nga lang na ginawang online ineffective na (summer 07), idagdag mo pa ang prerog.

    Ultimo kaya mga freshie nahihirapan kumuha ng, take note, MAJORS nila.

    Pano naman kasi magkaroo ka ng head ng opisina sa UPD na oo lang nang oo sa sinasabi sa kanya ng CRS team.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s