Home

Binati ako ngayong umaga ng isang balitang kahit papano ay ikinagalak ko. Ang sabi ng newscaster, “unang benificiary ng writ of amparo, napalaya na”. Isang lider-militante sa Zamboanga ang napalaya noong ika-7 ng Nobyembre mula sa iligal na pagkakadakip at pagkakadetina sa kanya ng militar sa matagal-tagal ring panahon. Ang Writ of Amparo ay isang kautusan mula sa Korte Suprema ng Pilipinas bilang proteskyon at solusyon sa mga taong pinagtangkaan ang kanilang karapatang mabuhay, at karapatan sa kalayaan at seguridad. Gawa man ito ng mga pribadong indibidwal o di kaya’y mga pampublikong opisyal o empleyado.  Mapapsailalim din dito ang mga kaso ng extrajudicial killings at sapilitang pagkawala. Ang writ of amparo ay malaking hakbang sa pagpapalitaw at pagkamit ng katarungan para sa mga biktima ng tumitinding state terrorism sa Pilipinas. Sana sa mga susunod na buwan, ang marami pang petisyon ng mga kamag-anak ng mga biktimang ito– katulad nina Karen Empeño, Sherlyn Cadapan at Jonas Burgos– ay magbunga na.

Mabuting balita man iyon, hindi naman nito natabunan ang mas nakapangngingitngit na nabalitaan ko kahapon. Pumantig lang ng sobra ang tenga ko ng marinig itong isang quote mula kay UP President Roman. Ayon sa huling Board of Regents Meeting nitong Oktubre, hindi na kinikilala ni Roman na isang karapatan ang college education. Di man malinaw na sinasabi sa konstitusyon na “at all levels” ang karapatan sa edukasyon, isang malaking pagkakamali ni Roman na magbigay ng ganoong pahayag. Ang nagpalala pa nito, tuluyan nang binitawan ni Roman ang esensya ng UP bilang isang pamantasan ng bayan. Dahil sa kaniyang pagkapit sa tindig niyang pro-commercialization, di na kinikilala ni Roman ang tungkulin ng UP na maging lunsaran ng isang accessible na edukasyon na bukas sa majority ng mamamayan. Hindi ko pa nakukuha ang direct quote pero once na makuha ko yun, humanda na lang si Roman na maging piluka ang buhok niya. Bwahaha.

Kung ano na mang ikinapal ng buhok ni Roman, aba’y ganoon din naman pala kakapal ang bigote ngayon ng nagbagong imaheng si Daniel Johns. Salamat na lamang kay Lia sa pagbabalita sa akin kaya naman dinownload ko na lang ang pinakabagong album ng Silverchair. Kakaiba talaga tong album na to. Pero di ako naturn-off sa ganitong shift ng tunog nila. Nagustuhan ko naman. Napadownload na rin tuloy ako ng The Dissociative, isang bagong band project ni Daniel Johns na may kinalaman sa nangyaring pagbabagong tunog ng sikat niyang banda.

Di lang ata si Daniel Johns ang nagbabagong imahe. Ako din (chos). Kung nagiging macho si Daniel Johns, ako naman tumataba. Hahaha. At yun na nga ang naging bati sa akin ng mga tao nitong mga nakaraang araw.  Dagdag pa itong kumakapal kong buhok na hindi ko alam kung papagupitan ko na ng wirdo o hahayaan ko nang humaba uli. Pero as for now, masanay na uli siguro ang mga tao sa mala The 70’s Show kong pagmumukha.

Hay. Oh well.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s