Home

Sa isang banda, ang nakaraang Disyembre ang hindi ko masyadong naramdaman kumpara sa mga nauna.

Muli akong napaluha ng Lantern Parade sa UP. Oo, sa pangalawang taon, isang protesta na naman ang naganap sa UP kasabay/pagkatapos ng taunang Lantern Parade. Ilang araw matapos ang anibersaryo ng pagkakapasa sa 300% Tuition and Other Fee Increases ng UP. Lingid sa kaalaman ng lahat, noong nakaraang Disyembre 19 ay naipasa na sa Senado ang bagong UP Charter. Tampok sa bagong UP Charter ang mga bagong iskema na magpapalala at maglelegitimize ng mga programang pagkokomersyalisa ng UP na nilalaman ng Pangilinan Bill. Ang batas na ito, kung tutuusin, ay niragasa ng kampon ng administrasyon ni Roman at ng Pangulong Arroyo. Mababasa rito: Kapirasong Kritika , ang ilang pagpapalawig sa naturang pagpapasa ng batas at ang ilang amyendasyon na isinulong na mapasama sa batas mula sa pagtutulungan ng UP Widem at ng Senador Jamby Madrigal. At kung makakakuha ako ng mga mas pormal pang report tungkol dito ay ipopost ko rin naman agad.

Dahil dito, mas tiyak lamang na sasalubungin agad ng maingay na protesta ang pagbubukas ng selebrasyon ng Sentenaryo ng UP pagpasok ng taon. (Nag-iisip na nga ako ng bagong gimik pagdating sa prop. Makagawa nga ng shirt design maya-maya. Bwahaha. Lagot ka Roman.)

At marahil kasama na rin itong pagkakapasa ng UP Charter sa pagiging malungkutin ko nitong mga nakaraang araw bago mag-Pasko (at kahit sa mismong araw ng Pasko.) Parang nabigla ako sa Pasko (maliban pa sa pagklakabigla ko sa dresscode ng simbahan ng magsimba ang pamilya.) Isa na nga lang namang tradisyon o kinagawian ang Pasko para sa akin. Pero tama rin ang nabanggit ni Daena, na kahit papano sa panahon ng mga tradisyong ito, may mga pansamantalang pinagsasama’t pinagtatagpo.

Sabagay, marami rin namang nais magdiwang kahit hindi ng Pasko.

Buti na lang ang pansamantalang depresyon ko ay sinubukan kong walain sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa Cagayan. Sa loob ng apat na araw sa Cagayan, kasama ang pamilya ni Yani at iba pang mga kaibigan, ay sumaya naman ang bakasyon ko ng higit sa inaaasahan. Sayang nga lang at may mga taong gusto kong makasama na di naman nakapunta. Mamimiss ko ang Batil-Patung o ang masarap-na-pansit- na-kumplikado-kainin-na-kalakihan-sa-serving -for-only-30-pesos. Ngayon lang uli ako nakapagbakasyon ng malayu-layo ng tunay na bakasyon. Hahaha. Di bale sa susunod na bakasyon na lang, kina Divs naman.

Bisperas na ng Bagong Taon ng makabalik ako sa Maynila. Medyo hindi maganda ang pagsisimula ng umaga ko dahil sa ilang mga bagay kaya itinulog ko na lang muna hanggang sa magising ako sa hapon. Katulad ng mga nakaraang bisperas, paglilinis ng bahay ang ginagawa ko. Kung malinis na ay kwarto ko na lang. At habang gumagabi, ay iniisip ko kung minabuti ko na lamang na salubungin ang bagong taon ng mag-isa o kaya’y mula sa dako paroon. Ngunit ano pang magagawa ko, e di i-enjoy na lang ang ingay at pagkain kesa magpakalunod na naman sa lumbay. Buti na lang may ilang mga taong hindi inaasahang babati. Napatawag pa tuloy ng di oras. Haha.

Lagi’t lagi din sa panahon ng pagsalubong sa bagong taon ay napapareflect na lang ang mga tao sa mga naging karanasan, kaunlaran o kabulukan nila (as a person) sa nakalipas na taon. Ano pa ba gagawin ko? Edi napareflect din. At katulad nga ng naisip ko kanina sa kwarto, sa tingin ko ‘isa lang akong taong lumipas sa mga signipikanteng tao sa nakaraang taon’. Di ko na ata kelangang ipaliwanag. Hindi naman yung buong buong negatibo. Kasabay ng panandaliang pagmumuni-muni ay ang pag-iisip ng mga mala-resolusyong balakin sa susunod na taon. Pero sa akin na lang yun. Ano pa man ang mga ito, isang bagay lang naman ang tiyak, Padayon!

Sa kabilang banda, ang nakaraang Disyembre at taon ay isa na namang makabuluhang taong dapat sundan at  ipagpatuloy.

kepi_cagayan.jpg

Isang hardcore mapagpalayang rock ‘n roll new year sa ating lahat.

Advertisements

One thought on “Komersyalisasyon. Tradisyon. Selebrasyon. Bakasyon. Repleksyon. Padayon!

  1. Pero tama rin ang nabanggit ni Daena, na kahit papano sa panahon ng mga tradisyong ito, may mga pansamantalang pinagsasama’t pinagtatagpo.

    Uy, sinabi ko ba ‘yun?

    *

    Sana kasama ako sa Cagayan. Marami kayong kwento maiinggit ako! Argggg! Pero syempre marami rin ako. Haha charot. Sana hindi ka na depress sa pagpasok ng January. Eksayted na akong makita kayo at makatrabahong muli!

    *

    Ishare mo naman yung mga resolusyon mo, baka may pwede akong gayahin. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s