Home

Narito ang isang poster/ad para sa event sa monday. I-click para sa mas malaking bersyon. Maari ring ipakalat kung nais.

artforoust2.jpg

Nakakatawa ang araw na ito. Nagroadtrip kami ni Anali papuntang Cainta para makuhanan ko lang ng litrato ang mga irereport ko bukas. At ang napala namin ay mga libreng Tivoli promo chocolates. Nagpatulong din siya sa akin na magworkshop ng koleksyon ng mga tula niya para sa isang klase sa malikhaing pagsulat. Kaya naman nitong gabi lang, nakaisip kami ng isang proyekto ng UP Sining at Lipunan na susubukan naming mailathala ngayong bakasyon. Bwahaha.

Nitong araw ding ito napadaan ako uli sa bahay ni Wina. Galing sila sa binyag ni Spyro, at bagamat wala ako dun, naalala naman nilang itxt ako para sumunod.

Keka and the so-called Roadie

arakatkep.jpg

on drums and on the bass

dwinkep.jpg

on lead guitar

kattekep.jpg

on vocals

(nakikita mo ba, ansaya saya ni Hesus sa t-shirt ko)

Note: Di ko kayo tinakasan para lang makapagrapel. Sadyang nagtampo lang ako noon. Hehe. Sikret.

Dapat na kong umusad sa mga dapat kong tapusin tama na to. Isa munang tula mula kay Anali.

UNREGISTERED

ni Anali Gonzales
mula sa koleksyong Odd-Even Scheme

Makintab pa ang katawan ng pulang bagong sasakyan
Ng pamilya ni Juan na kagagaling lamang sa ibang bayan
Singkinang ng mga gintong Saudi
Singkinis ng mga American Byuti

Dumaan sa kalyeng baku-bako upang maghakot
Pagkat di lamang sasakyan kundi pati kanilang tahanan
Ang siyang katas ng kanyang pangingibang bayan

Isiniksik sa likuran ang sofa na hinulugan
Kasama ng mga tsokolate at laruan
Na Tatak Duty Free ang pawang mga sisidlan
Doon rin ang mga damit na walang mapagkasyahan
Pagkat kanyang nakaligtaan na sa loob ng walong taon
Ang kanyang apat na anak ay pawang nagtangkaran
Nakasilid rin dito ang mga pabango, lotion at make-up
Para sa inulilang asawa upang makaahon sa hirap

Bumaba ang pamilya nang may lungkot sa mga mata
Walang umiimik, walang sumasambit
Wala ring nnaghihingi ng pasalubong
Ultimo imported na biskwit

Pagkat wala nang iimik o sasambit
At ang inaasam na imported na biskwit
Marahil sa lamay na lamang nila makakamit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s