Home

Sa matagal na panahon, muli akong nakabalik sa lugar ng aking kapanganakan noong nakaraang linggo. Dumalo ako ng taunang kumbensyon ng College Editors Guild of the Philippines na ginanap sa Toril, Davao.  Ngunit bago pa man kami magpunta ng Toril, isang paglalamay ang nabisita namin sa simbahanag tinuluyan namin sa unang gabi ko sa Davao.

Umaga ng ika-15 ng Mayo ng barilin ang lider-magsasakang si Celso Pojas sa Davao. Ayon sa ilang mga estudyanteng nakausap ko, unang insidente umano ito ng political killing sa Davao City.  Idinagdag bilang ika-904 si Ka Celso sa biktima ng pulitikal na pamamaslang sa bansa sa ilalim ng termino ni Pangulong Arroyo. (para sa karagdagan)

(larawan mula sa BisayaBloggers.com)

Kaya naman sa mga sumunod na araw ay nagkaroon ng mga kilos protesta ang mga magsasaka para sa panawagan sa hustisya para kay Ka Celso. Ilan sa mga magsasakang ito ay nakasama namin sa isang araw ng exposure bilang bahagi ng mga aktibidad ng kumbensyon.

Napili kong umupo sa isang diskusyon ukol sa kalagayan ng mga kabataan roon. Isang barangay gym na ginawang pansamantalang evacuation center ang aming pinuntahan. Ang mga ‘bakwit’ o evacuees roon ay mula sa Compostela Valley (ComVal). Alas nuebe ng gabi umano ng magkaengkwentro ang mga militar at NPA sa lugar. Kaya naman napagdesisyunan ng mga residente at lider ng mga organisasyon doon na lumikas na lang muna dulot ng mga operasyong kinaiipitan nila. Sa tulong ng isang kasamahang matatas sa pagbibisaya ay nakapanayam namin ang ilang  pamilyang Lumad.

Ayon sa kanila, matinding pandarahas at pananakot umano ang ginagawa sa kanila ng mga militar na nagooperasyon sa kanilang lugar. Isa ang nagsabi na tinabunan raw ng plastic ang kanyang mukha ng isang militar, samantalang ang asawa niya binubog ng malaking baril. Itinali rin ng magkakasama ang mga ‘bakwit’ ng minsang biglaang pasukin ng mga militar ang una nilang evacuation center sa isang gym sa ComVal. Kahit ang mga bata o teenager ay di rin nakaliligtas sa mga panankot at pandarahas na ginagawa ng mga nagooperasyong militar.

Sayang at hindi namin natiyempuhan ang isang cultural program na inihanda ng mga kabataang sa center. Tampok sa isang dingding sa isang sulok ng gym ang mga makukulay na guhit, mga tula, at mga talatang isinulat ng mga bata. Isa ito sa mga nakopya ko :

Ang akung pangandoy nga maka-paeskwela ang akung mga manghod ug makunowon ang among pagpoyo sa among lugar. Ug unta makauli nami sa aming lugar na dili na magkausodusod ug dili na samoksamok kun sa mga sundalo. Ug ang akong pangandoy nga makapalit ko ng mga besti ng maka-paeskwela sa akung mga manghod maka angkon ng kalimau.

[Salin (di tiyak) : Ang aking pangarap ay ang makapagaral ang aking mga kapatid at maging matiwasay ang aming pagtira sa aming lugar. At makauwi na kami sa amin ng hindi na pinaliluipat-lipat at ginugulo ng mga sundalo. At ang aking pangarap ay makabili ng dami para sa makapasok sa eskwela ang aking mga kapatid.]

Iniisip kong maging bahagi ang mga kuwentong narinig ko ng mga maari kong maisulat para sa aking thesis o di kaya’y mga video na ninanais magawa sa hinaharap. Pansamantala, iniisip ko kung anong anggulo pa ang maaari kong maisulat ukol sa kalagayan ng mga refugees o evacuees na biktima ng militarisasyon sa kanayunan, lalo na ang mga musmos at kabataan.

(larawan mula sa DavaoToday.com)

Hindi na ako masyadong nakapaglibot sa Davao kahit gusto kong mag-Samal, makabisita uli sa Philippine Eagle Center (na ilang beses ko na atang nabisita sa mga pr-schoolfieldtrip ko dati) para kamustahin ang mga ibong sina Pag-asa at Pagkakaisa (kung ano man ang nangyari sa kanila), at makahanap ng mga produktong Durian tulad ng ice Cream, salad at cake. Buti na lang ay natupad ko ang mga bagay na ipinunta ko roon, katulad na lang ng pakikipagugnayan at pakikipag-usap sa mga manunulat sa iba pang publikasyon sa iba pang UP units.

Bagamat hindi ako nakatuntong sa Tagum (kung saan ako unang nagkaroon ng mga kaibigan), may kakaibang ligaya’t lumbay pa ring iniwan sa akin ang bisita sa Davao.  At ilang bagay na nangungulit na mairesolba sa mga susunod na panahon. Hay.

Tapos na ang humigit-kumulang dalawang buwang transisyong itinakda ko sa aking sarili. Nararapat ko nang simulan ang pagpapahusay sa ilang mga bagay na inaasahan sa akin. Sabi nga ng Kathara Dance Theater Collective, “Aseeee!” Haha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s