Home

I.
Ilawan ang buong palasyo sa pagdating ng bagong pangulo
Ilatag ang pulang alpombra para sa martsa ng buong angkan nito
Ihudyat ang ritwal ng pagputok ng dalawampu at isang punglo
Ihain ang piging sa mga gabinete, alipores at banyagang amo
Imbitahan ang mga tanyag na payaso at ilunsad ang konsyerto

Tiyaking makakabalita ang taumbayan sa kaniyang mga awit ng pangako.

II.
Ihanda ang abenida’t lansangan sa pagdating ng mga magsasaka
Itaas ang mga pulang bandera na may panawagang nakamarka
Ipinta sa mga haligi’t pader ang di-lilimuting dugong inutang sa Luisita
Isigaw at pag-alingawngawin ang hinaing para sa lupa, pagkain at hustisya
Imbitahan ang taumbayan na ilunsad ang malaking welga

Tiyaking makakabalita ang pangulong nagsasawalang-bahala.


*Iniambag at binigkas sa Tulagalag : Hacienda Luisita KM64 Poetry Collective Mobile Poetry Project

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s