Home

[o dalawang tig-isandaang salitang dagli ukol sa digmang bayan]

DEPENSIBA**
Kabilaan ang putok ng mga baril. Panay ang kanilang pagtakbo paatras habang nakikipagbuno upang depensahan ang kanilang mga kasama at tuluyang makalayo.

Hindi na maramdaman ni Ka Ian ang paglapat ng kaniyang mga paa sa lupa. Bumigat ang kaniyang ulo bunga ng drogang ihinalo sa kambing na kanilang hapunan. Ang hindi nila alam, bumaliktad na at nakipagsabwatan sa militar ang may-ari ng kubong kanilang tinuluyan nang madaling araw na iyon. Siyang susing bagay sa ambush ng mga kaaway.

Napatigil ito sa pagtakbo. Napapikit. Bumagsak sa lupa kasama ng armalite na hawak. Tuluyang nakaidlip.

Tiyak uunahan na ng punglo ang panaginip.

OPENSIBA***
Nakasilip si Michi, isang Dumagat, mula sa pagitan ng mga dahon. Tila mata ng pusa ang mga mata nitong nagmamanman sa kakahuyan at pinakikikinggan ang tunog ng mga kuliglig sa paligid.

Sinabayan ito ng tawanan sa di kalayuan. Ito ang hudyat ni Michi. Inasinta niya ang sa tantiya niya ay lider ng mga sundalong nagiinuman, humigit-kumulang 50 metro ang layo mula sa punong kaniyang kinapupuwestuhan. Dahan-dahan, ipinutok niya ang sniper. Saka niya inisa-isa ang apat na lasing na militar na nagkandaaligaga.

Kinuha ni Michi ang mga armas na kaya niyang bitbitin at saka umuwi pabalik sa kuta ng mga kasamahan.

*Ang dalawang akda ay mga hinabol na kontribusyon sa isang 5 years in the making na libro, ang DADAANIN. Di ko alam kung aabot pa ito sa final print.
**Hango sa karanasan nina Ian at Tanya bago sila napaslang sa engwkentro.
***Hango sa isang mandirigmang Dumagat. Kilala sila bilang mahuhusay na sniper sa kanayunan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s