Home

May mga tulang isinusulat
para sa paglimot at sa pagkundena
Sa kawalang-hiyaan,
Sa mga trahedya at inhustisya,
Sa paghahari-harian,
Sa paniniil sa isang nilalang
at pambubusabos sa isang bayan.

May mga tula namang isinusulat
para sa pagalala at pagkilala
Sa mga nawawala,
Sa nag-aapuhap sa kanila,
Sa mga martir at mandirigma
Sa kadikalaan
ng mga nag-aalay ng buhay at lumalaban.

Ngayo’y may tulang isinusulat
para sa mga naisulat na mga tula
para sa mga salitang mananatiling
nabubuhay sa lupa
para sa mga linyang gumuguhit
sa mga lansangan at tarangakahan
para sa mga tugmang pumipintig
sa dibdib ng bawat isang nakabasa at nakarinig.

Ngayo’y may tulang isinusulat
at bukas, makalawa ay may tulang maisusulat
para sa isang makata at sa kanyang sanlaksang tula
para sa pag-alala,
pagkilala,
at pagdakila
sa isang mandirigmang armas ang pluma at mga kataga.

* Para kay Alexander Martin Remollino (1977-2010), mamamahayag, makata at makabayan. Binigkas sa gabi ng parangal ng mga artista’t mamamahayag noong Setyembre 6.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s