Home

May kung anumang lukso sa sining ang naramdaman ko sa mga nakalipas na linggo. Kahit na may halos dalawang linggong pagitan mula nang mag-umpisa ito dulot ng sakit na sore eyes at trangkaso. Iniisip ko kung ano ang mga posibleng dahilan o tipon ng mga dahilan : muling pagkikita at pagkakasama kay Frances kabilang na ang mga realisasyon hinggil sa kakulangan ko bilang kaibigan, ang pagpanaw ni Alex Remollino at ang pagsulat at pagbigkas ko ng tula para sa parangal niya, ang pagkakahouse arrest ng trangkaso at sore eyes sa akin sa bahay na nagtulak sa akin na muling manood ng mga pelikula, ang pressure sa paggawa ng maikling pelikula para sa LRP. At kung ano pa man.

Kaya naman bigla na lang bumuhos ang mga ideya sa akin ng mga kuwentong maaaring maging pelikula. Samu’t saring kuwento na kalakhan naman ay ukol pa rin sa pakikibaka. Naisip ko rin tuloy, kung sakali man habang may pagkakataon ako ay makagawa ako ng sapat na bilang ng mga makabuluhang mga proyektong pelikula propaganda. Naisip ko kasi, kung pumanaw man ako sa gitna ng digmaan, nais kong maisanib ang aking alaala kasama ng mga likhang ito.

Naisip ko rin na siguro,kailangan ko na ring muling tipunin ang mga likha ko. Kahit na napakapanget ng mga gawa ko noon sa UPFI. Sinikap kong balikan ang mga pelikulang ito sa pagitan ng mga alaala. Sa mga susunod na araw, may kokontratahin na ako para matipon ang mga ito.

LABINLIMANG PULGADANG AGWAT
Narrative
Isang maikling triptych ukol sa kontradiksyon ng tao sa kaniyang sarili, ng tao sa ibang tao, at ng tao sa kalikasan. Tampok rito ang bata na tumatandang karakter na nagsiswing. Sekswal daw sabi ni Ma’am Libay.

ALAPAAP
Narrative
Dinevelop ng mga kagrupo ko ang sci-fi concept ko ukol sa isang batang nakikipagsulatan sa sarili niya sa hinaharap sa pamamagitan ng pagpapalipad ng eroplanong papel sa bubungan nila.
Ang nangyari, tungkol na siya sa isang bata na nagpapalipad ng eroplano sa bubong, at nang magkasakit ang Ina nito, sumulat siya sa ‘diyos’ upang pagilingin ang Nanay niya. Hindi ako nagkaroon ng kopya ng edited na pelikulang ito. Film pa man din.

PATINIG/KATINIG
Narrative
Ang instructions ay maghanap ng blog at gumawa ng video ukol dito. Sa totoo lang, nagimbento lang ako ng blog. Gusto ko lang talagang gawin ang maikling video ukol sa edukasyon ng isang bata na nangangolekta ng mga lapis na napupulot nito pero laging di matapos tapos ang alpabetong sinusulat niya dahil napuputol lagi ang lapis.

HAPAG-KAINAN
Narrative
Kapartner ko ang mahusay na si Jewel sa video na ito. Tungkol ito sa isang slice of life ng isang mag-ina na nakaset sa future (noon), ang 2007 elections. Pahiwatig dito ang magaganap na luto sa elections at militarization sa urban communities.

KILAPSAW
Documentary
Ako ang nag-edit ng dokyumentaryong ito tungkol sa endangered na pawikan. Si Jobelle at Jed naman ang nagshoot sa Mindoro na hindi ako nakasama.

SASAMAG
Documentary
Ang pairwork turned individual documentary exercise tungkol sa mga magsasaka at sa isyu nila sa Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte.

NO MORE FAMILY SUNDAYS
Experimental
One minute time lapse video tungkol sa kung ano ang ginawa ko sa weekend. Natuwa si Sir Bautista rito at natawa ako dahil ako pala ang pinabusy na tao sa klase namin.

SILENCE GOING ON
Experimental
Over the vacation experimental exercise na ginawa ko bilang reaksyon sa paghupa ng isyu ng noon ay kakapasa pa lamang na TOFI noong 2006. Nagamit bilang video teaser sa mga Walk-Out ng mga sumunod na taon. Natuwa ako sa komento ni Sasha sa work na ito, dahil napansin niya yung visual style ko rito na apparent na noong nasa photography class pa kami.

WONG KAR-WAI
Educational Video
Editing finals kay Sir Dadivas. Analysis ng mga aspeto ng pelikula sa tatlong pelikula ni Wong Kar Wai. Masayang gawin ito.

TELEBISYON/REBOLUSYON
Installation
May reference ito sa tulang The Revolution will not be Televised. Kung saan meron akong compiled video na may voice over na nag-peplay sa isang TV na nakaharap sa isang corner na may stonewall at salamin.

ELEPANTE
Narrative
Ka-pair ko si Xeean sa isang video na ito na spoof ng isang pelikula tungkol sa mga kabataan, ang Elephant ni Gus Van Sant. Political killings ang ginawa naming tema.

Video Response to Sasha
Experimental
Gumawa ako ng poetry video para kay Sasha ng isang tula ni Neruda na binigkas ko. Ito ay isang confidential video exchange exercise na pakana ni Yason.

Hindi ko maalala kung mayroon pa akong ibang nagawa. Pakiramdam ko, pagkatapos ng blog na ito at pagkatayo ko sa kinauupuan ko ay ichechek ko ang mga DVD ko at sisimulan ang pagtitipon sa mga ito.

Narealize ko nung matapos ang thesis ko na gusto ko talagang gumawa ng mga pelikula tungkol sa mga bata. At gusto ko pa rin itong isakatuparan. Sana magtagumpay na at buhay pa ako noon para makagawa ang ng maraming prop films.

Pero sa ngayon, sabi nga ng pelikula ni Karl, “Wasakin ang Manual.” Wasakin ang status quo, upang bigyang daan ang paglikha ng higit na mapagpalayang bagong mga sining. At ito ay sa pamamagitan ng rebolusyon. Di ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s