Home

May ngiti sa mukha ng isang kamag-aral
Sa bawat pagtatagpo ay pagbati
sa mga di pangkaraniwang-araw sa pamantasan.

May ngiti sa mukha ng isang retratista
Sa bawat pitik at sipat sa kamera
ng mga makabuluhang kwento at kaganapan.

May ngiti sa mukha ng isang mang-aawit
Sa bawat titik ay himig na mailalapat
sa mga gabi ng pagtitipon at pagtatanghal

May ngiti sa mukha ng isang kasama
sa bawat sigaw at daing ay tugon
sa tanggulan ng ating karapatan,
sa mga araw ng ating martsa sa lansangan,
maging sa kanayunan

At sa muling pagtatagpo
sa dulo ng daang tinatalunton
para sa pagkakapantay-pantay at kalayaan,
para sa makatwiran at makatarungan,
may ngiti sa iyong mukha.

May ngiti sa mukha ng isang mandirigma.


*Para sa bawat ngiting ibinabati mo sa akin sa mga pagkakataong muli tayong nagtatagpo bagamat di nakakapagkamustahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s