Home

Dagdagan ang mga kamag-anak at negosyante sa gabinete
Bawasan ang oposisyon at kritiko sa batasan at sa simbahan

Dagdagan ang panghimod-tumbong na bayad-utang kay Uncle Sam
Bawasan ang pagkain sa hapag-kainan ng mag-anak ni Maria at Juan

Dagdagan ang suhol ni Peping sa mga abugado’t mahistrado
Bawasan ang ekta-ektaryang lupang maaari na sanang bungkalin ni Lito

Dagdagan ang pasahe sa lahat ng pwedeng sakyan at daanan
Bawasan ang pag-asa ni Jose na may matira pa sa kakaramput na sweldo

Dagdagan ang nagtatayugang gusali at mall ni Jaime Augusto
Bawasan ang mga kabahayang nagsisiksikan tulad ng kay Pedro

Dagdagan ng pabigat pang taon si Pepe sa pampublikong eskwelahan
Bawasan ang pondo hanggang mabulok ang mga silya, libro at pisara

Dagdagan ang pambili ng mga granada,mga bala at machine gun
Bawasan ang bilang ng mga palaban at aktibistang huhusgahang komunista

Dagdagan ang laway sa bibig sa pagkatuta sa makauring patakaran at panukala
Bawasan ng isang taingang pandinig sa panawagan nina Juan at ng iba pa

Dagdagan pa ng mga dahilan upang maghimutok at mag-alsa ang taumbayan
Bawasan ang taong itatagal pa ng pangulong taning ay nakatakda na.


*Kabilang sa Project Tulagalag 100 ng Kilometer 64 Poetry Group.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s