Home

Ngayong gabi’y
Higit na hitik sa mga tala
ang mga salita at mga tugma

Bumubuo ng mga himig
Habang ang taliba’y magdamag
nakaabang sa anumang banta

At bukas sa pagbangon ng kabundukan,
sa pag-uunat ng mga sanga
ay bulaklak na bumubuka

Ang tugma’y magkokorteng punglo
na anumang oras ay handang umasinta
sa mga pasistang halimaw na nakawala

Ang salita’y maghahawan ng daan
patungo sa magsasakang nasa dampa
na handang tanggapin ang armadong bisita

Ang himig ay magkakatawang propaganda
at ang taliba ngayo’y isang makatang gerilya
na siyang yayakaging lumahok at kumilos ang masa

Ngayong umaga’y
Higit na mainit sa sikat ng araw
ang diwa ng puspusang pakikibaka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s