Home

Makulimlim ang langit sa unang araw ng Agosto
Hudyat ng panahong kinaaayawan ni Goryo
Naghati silang mag-asawa sa isang tasang kape
Habang si bunso’y pumasok ng kumakalam ang sikmura
Ni pamasahe ay walang laman ang bulsa

Samantalang si Anton, nagbibilang ng pamasahe
Sandaang tirang kita sa pagtatanim, dalawandaang utang sa kumpare
Pagdating sa Maynila’y, magbabakasakali sa construction
Dalawang linggong sasabak sa pagbubuhat ng semento
Sa pambayad utang pa lang ay ubos na ang sweldo

At ang asawa niyang si Wilma, naggagayak na
Maghapong nakikilako ng kakaning paninda
Dyes porsyento ng kita’y kanya pagpatak ng alas singko
Pagkakasyahin muna ang syentotrenta
Habang wala pang padala ang asawa

Maghapon na namang tatambay ang barkada nila Alan
Habang wala pang gapasan ay mag-aabang ng sideline
Buti pa si Tonyo, magkukusinero muna sa kantin
Si Nog nama’y disi sais pa lang, sinama na ni tatay
Doon sila sa bayan, isang buwang gagawa ng bahay

Pero itong si Tatang Andres, naglalakad na sa pilapil
Nag-aabono sa palay, nakaabang sa pagbubuntis ng butil
Pag-asa aniya ang hatid ng anihan sa katapusan
Pero magtitiis muna sa taggutom ang baryo
Dulot ng kawalang kabuhayang hatid ng Agosto

*isang ilocanong termino sa panahon ng taggutom bago mag-anihan

Isagani Dela Guerra
Agosto 2012

Advertisements

One thought on “Gawat*

  1. kumusta? nakakamiss ang mga tula mo. salamat sa poetry fix. :) sa bagay, magkikita pa naman tayo ulit. hangga’t andito, laging may muli. wag kang magfeeling, im not your stalker. hehe. ako yung putographer ng dating profile pic mo dito. cagayan, remember? gets?

    loveyou!

    (imbento lang yung email ad na yan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s