Home

I.

1.INT.GRAND BANYO NG MALACAÑANG.NIGHT.

Katatapos lamang ng Pangulo sa kaniyang masarap na hot bath. Haharap siya sa salamin. Magtutuyo ng katawan—batok, kilikili at kalingkingan. Magsusuklay ng buhok. Magpapabango sa leeg, balikat, at likod. Maglolotion. Kulang na lang magpahid ng tsokolate sa balat.

Mapapatitig siya sa sarili. Sa balakang. Sa dibdib. Sa mukha. Sa nunal. Mapapaisip kung paano nga ba isiniksik sa maliit niyang pangangatawan ang labis-labis na kasamaan.

PANGULO

Maganda pa rin naman ako, noh?

             Itatabi niya ang bathrobe. Saka lalabas ng banyo papuntang kwarto. 

CUT TO:

2. INT. SILID SA MALACAÑANG.NIGHT.

Naghhihintay na ang asawa sa malaking kama.

 II.

(883)

Ate, ate, may bago na naman daw pinatay sa may terminal. Dalawang lalaki raw, naka-bonnet, sakay ng motorsiklo. Tinambangan ang biktima pagkababa sa bus.

(884)

Lalaki naman yung sa kabilang bayan. Bumili raw yung isang mama ng sigarilyo sa tindahan niya. Pagkaabot ng sukli, niratrat siya sa harap ng asawa.

(885-6)

Yung mag-asawa, sinalubong habang pauwi isang hapon. Buti na lang yung saksing bata di nadamay.

(887)

Miyembro mismo ng organisasyon para sa pagtatanggol ng karapatang pantao, ‘di pinalampas. Iniwan ang bangkay sa talahiban.

(888)

Nitong nakaraan naman, papunta raw yung isang binata sa eskwelahan. Di pa nakakapasok, dinampot.

(889)

Ate?

Nasa’n ka na ?

III.

Ilang taon na rin ako sa gubat. Nakilala ko na ang samu’t saring baging at punongkahoy dito. Pati huni ng mga ibon at ingay ng mga kuliglig kaya ko na atang sabayan.

Hindi naman talaga ganoon kasukal ang ilang mga gubat. Minsa’y makakababa ka sa baryo ng mabilisan ng hindi natitinik sa mga halaman. Kung sanay na ay kakayanin mong gawing dalawampung minuto ang dalawang oras na pababa’t paahon. Mapapagod ka rin minsan. Pero sabi nga, kamatayan sa kamay ng kaaway lang ang kalaban mo dito.

Tatlong bundok ang babagtasin namin ngayong araw. Pagtatanim na naman sa susunod na lambak.

*Initially submitted to the South East Asian Literary Anthology.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s