Home

tulad ng pag-asang binubunot sa putik
ang punlang hawak ng manggagawang bukid
na mahigpit ang pagtangan sa bawat tumpok.

tulad ng paninindigang intinatanim sa burak,
sa malawak na kapatagang lubog sa hirap
at dusang hatid sa bayan ay gawat.

tulad ng pakikibakang pinatataba ng lupa,
ng mayamang karanasan at dakilang adhika
na siyang pinanghahawakan para magpatuloy.

tulad ng tagumpay sa ginapas na palay,
nakasalansan wari’y mamamayang nakahanay
na siyang binibigkis sa mandala ng paglaban.

tulad tayo ng mga punla,
hinasik at sumibol sa mapulang lupa,

at sa paglipas ng panahon,
aanihin ang bunga ng ating rebolusyon.
Isagani Dela Guerra
Hulyo 2013

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s