Home

me1.jpg

Ako si Rafael Mandala, ngunit mas kilala sa marami pang ibang pangalan. Nagtapos ng Film and Audio-Visual Communication sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan kong binabalanse ang teorya at praktika ng sining at pambansa demokratikong pakikibaka.

Hilig ko ang bumigkas ng tula at mga kuwento at likhain ito upang maging biswal na naratibo ng pagpapalaya. Mula sa mga paboritong paksa tulad ng personal na kontradiksyon ng isang peti-bugoy, hanggang sa kamuwangan at kamalayan ng mga anak ng digmaan, hanggang sa buhay at kamatayan sa kabundukan- ang bawat yaring pangkultura ay nagsisilbi sa pagwasak ng luma at sa muling paglilikha ng bago.

Labas sa pangarap na pawiin ang uri, pangarap kong lumikha ng grupong panteatro ng mga bata doon kung saan ang bawat pagtatanghal ay pagbalikwas sa maligalig nilang kapaligiran. At gayundin, ng isang multimedia at video group, doon kung saan hindi umiiral ang kumbensyunal na  porma ng pagpapalabas at panonood ng pelikula.

Sa mga pangkaraniwang-araw, makikita akong nagpapalaboy sa mga komunidad at lansangan, kasama ang marami pang mga kabataang  lumalaboy kontra sa agos ng kasukuyang kaayusan. GND. :)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s